02/09/2026
MAHALAGANG PAUNAWA SA PUBLIKO AT BABALA SA MGA SCAMMER β οΈ
Nakarating po sa aming kaalaman na may mga hindi awtorisadong indibidwal at scammer na ilegal na gumagamit ng pangalan at opisyal na GCash number upang manlinlang ng kapwa.
π’Maging gabay po sana ang mga sumusunod:
πΉAlam Ng GCash Ang Aming Legal Credentials: Gamay at alam ng GCash ang aming mga opisyal na legal na dokumento at impormasyon bilang rehistradong negosyo. Ang anumang maling gawain na ikinakabit sa aming pangalan ay naiuulat at natutukoy.
π’Paalala Para Sa Aming Mga Suki At Customer:
πΉMAGTANO MUNA SA AMIN BAGO MAGPADALA NG PERA. Mangyaring makipag-ugnayan muna nang direkta sa aming store staff o sa aming opisyal na FB Page bago magtransaksyon o magpadala ng pera sa GCash.
πΉSuriing mabuti ang mga detalye ng tatanggap bago kumpirmahin ang anumang bayad.
πΉIpaalam o i-report agad sa amin ang anumang kaduda-dudang account, mensahe, o taong nagpapanggap na kinatawan ng ZH Convenience Store.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta! Maging maingat at alerto po tayong lahat.
β Pamunuan ng ZH Convenience Store