ICONvenience Store - Tambayan

ICONvenience Store - Tambayan "your ONE STOP shop"

25/05/2026

Malawak na ulit ang ICONvenience Store - Tambayan 🥰
"Anong hobby niyo ng partner mo?" Kami, maglinis at mag-ayos ng kung anu-ano. 😆 Habang yung iba date sa mall, kami naman date sa walis, basahan, at mga gawaing bahay at tindahan. ❤️ Hindi man laging grand, basta magkasama, masaya at puno ng lambingan. 🫶✨

17/05/2026
17/05/2026

pahinga yarn? 😂

kahit walang kuryente, basta may lambing 😂😂
14/05/2026

kahit walang kuryente, basta may lambing 😂😂

“Kung hindi ka gagawa ng sarili mong bangka, habang buhay kang magiging tagasagwan sa biyahe ng iba. Hindi porket kasama...
10/05/2026

“Kung hindi ka gagawa ng sarili mong bangka, habang buhay kang magiging tagasagwan sa biyahe ng iba. Hindi porket kasama ka sa byahe, sayo na yung direksyon. Build your own or stay rowing forever.”

Minsan akala natin okay lang na sumabay lang sa agos. Komportable kasi may sinusundan, may lider, may malinaw na plano na hindi ikaw ang gumawa. Pero habang tumatagal, mapapansin mo na hindi mo pala alam kung saan ka talaga papunta.

Hindi masama ang tumulong at maging supportive sa pangarap ng iba. Pero kung lagi na lang ikaw ang nag-aadjust at walang sariling vision, mauubos ka rin. You deserve a dream that is yours.

May mga tao na content na sa pagiging side character sa story ng iba. Walang masama doon kung yun talaga ang gusto mo. Pero kung may boses sa loob mo na nagsasabing kaya mo pa, pakinggan mo yun.

Building your own boat does not mean iiwan mo sila. Ibig sabihin lang, may direksyon ka ring tinatahak. Hindi ka lang basta pasahero o crew, may sarili kang kapitan mode.

Nakakatakot magsimula. Walang kasiguraduhan, walang guarantee na aabot ka sa gusto mong daungan. Pero mas nakakatakot yung pagtanda na puro sana at what if ang laman ng isip mo.

Hindi kailangan engrande agad. Kahit maliit na sideline, bagong skill, o bagong goal, start somewhere. Progress is progress, gaano man kabagal.

At kapag dumating yung araw na may sarili ka nang bangka, mas iba ang confidence. Hindi ka na basta-basta matatangay ng alon ng opinyon ng iba. You move with purpose.

09/05/2026

❤️🥰🫶🏻

07/05/2026

Madaming naka-relate dito pero hindi ako. 🙅‍♂️

Hindi kasi ako naniniwala sa “healing my inner child” pagdating sa materyal na bagay.

Hindi dahil wala akong pinagdadaanan noon.
Hindi dahil anak mayaman ako.
Hindi dahil lumaki akong spoiled.
Kundi dahil simple lang ang buhay namin noon.
Wala akong kilalang mayaman na pwedeng pagkumparahan.
Wala ring social media na magpaparamdam sa’kin na may kulang ako.
Lumaki akong masaya sa kung anong meron kami.
Yung laruan ko, kung ano lang ang kaya.
Wala naman akong kaibigan noon na laging may bagong laruan galing Toy Kingdom, Toys R Us o SM Toy Store.
Yung gala, masaya nang makasakay ng jeep o tricycle para mamalengke kasama si Mama.
Hindi ko nga alam kung may nga indoor playground na ba noon gaya ng Kidzoona at Kinder City.

Pero sapat na ‘yun. Hindi ko naramdaman na deprived ako kasi wala naman akong basehan para maramdaman ‘yun. Lahat ng kalaro ko simple lang din ang buhay. Masaya na kaming makapaglaro ng bahay-bahayan gamit ang mga palapa at lutu-lutuan gamit ang lata at mga dahon. Malungkot lang noon kapag kokonti na lang ang text at jolens. 😅

Kaya ngayon, hindi ko hinahanap ang “pagbawi” sa nakaraan.
Hindi ko kailangang bilhan ang sarili ko ng mga bagay para punan ang isang kakulangan na hindi ko naman naramdaman noon.

Siguro ang kailangan lang talaga natin, hindi “healing,” kundi appreciation.
Appreciation sa batang tayo na natutong maging masaya sa mga simpleng bagay.
Appreciation sa mga magulang natin na naibigay ang simple pero masayang buhay.
At appreciation sa buhay ngayon na mas may kakayahan na pero hindi nakakalimot maging kontento.
Minsan, hindi naman natin kailangang ayusin ang nakaraan.
Kailangan lang nating alalahanin kung gaano na tayo kalayo sa nakaraan at kung gaano tayo kalapit sa pinapangarap nating pamumuhay sa hinaharap. 😇

✍️ Nanayhood

———————-
Please DO NOT COPY & PASTE.
Use the share button only. 😊

Address

Talisay Sambat
Tiaong
4325

Opening Hours

Monday 6am - 10pm
Tuesday 6am - 10pm
Wednesday 6am - 10pm
Thursday 6am - 10pm
Friday 6am - 10pm
Saturday 6am - 10pm
Sunday 9am - 10pm

Website

https://maps.app.goo.gl/CX5iAFauUjHi3a676, http://raket.ph/printsonal

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ICONvenience Store - Tambayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ICONvenience Store - Tambayan:

Share