26/12/2025
Maliit na aksyon, kapag tuloy-tuloy, kayang baguhin ang buhay mo
"Bumili ako ng items sa shopee at niresell sa marketplace."
Ako si Mikaela, 28 (F) tubong Nueva Ecija.
Matagal akong nagtrabaho sa mall. Tuwing matatapos ang
kontrata, nire-renew ko ulit. Same routine, same paycheck,
same feeling na paulit-ulit ang buhay ko. Hindi ako tamad
nasa cycle lang ako na ‘safe’ pero parang walang pupuntahan.
Isang araw, tinanong ko ang sarili ko: “Ito na ba yon.. ‘yong buhay na gusto ko?
Nag-try akong magnegosyo.
Nagsimula ako sa maliit. Ang diskarte, bumibili ng ilang items sa shopee
at nire-resell sa Marketplace. Walang malaking puhunan,
walang fancy setup. Cellphone, late nights, at lakas ng
loob na subukan.
Syempre, hindi laging smooth. May mga araw na wala akong
naibenta. May mga araw na nagdududa ako sa sarili ko at sa
kakayahan ko. Pero bawat maliit na benta, bawat inquiry,
nagbigay ng motivation para magpatuloy. Unti-unti, natutunan
ko kung ano ang gusto ng mga tao, sino ang gusto kong pagsilbihan, at paano makipag-usap sa kanila ng maayos.
Ngayon, masaya ako dahil may tatlong online stores na ako -- isa para sa stay-at-home moms, isa para sa pet owners,
at isa para sa young adults na tulad ko na naghahanap ng
abot-kaya pero meaningful na items. At hindi lang ako,
kasama rin ang asawa ko -- magkasama kami, sabay naming pinupunan ang bawat order, sabay naming dinadala ang
negosyo sa susunod na level.
Hindi ko agad natakasan ang cycle. Pero bawat araw,
bawat maliit na desisyon, bawat hakbang na may tapang
at tiwala sa sarili, unti-unti akong lumalayo sa paulit-ulit na buhay.
Hindi madali, pero bawat effort ko ay nagbunga. Ngayon, mas malakas, mas malinaw, at mas handa akong harapin ang anumang
hamon.
5 Diskarte Tips
1. Kung pakiramdam mo paulit-ulit nalang ang buhay, oras na para humahang palayo sa cycle
Minsan hindi ka tamad—nasa “safe cycle” ka lang. Ang tanong: gusto mo bang manatili?
2. Simulan kung anong meron ka
Cellphone, oras, at lakas ng loob—puwede na ’yan. Hindi kailangan ng malaking puhunan para magsimula.
3. Maliit na benta, malaking motivation
Isang inquiry, isang order—enough na ’yan para magpatuloy.
4. Makinig sa market, hindi sa takot
Alamin kung ano ang gusto ng tao at kung sino ang gusto mong pagsilbihan. Doon nagsisimula ang tunay na diskarte.
5. Mas mabilis ang growth kapag may kasama
Kapag magkasama kayo sa negosyo, mas gumagaan ang bigat at mas lumalakas ang loob.
------------
💡 May diskarte story ka ba?
Share your journey in Diskarte Chronicles and get featured while promoting your business or side hustle.
📩 Send your story via email: [email protected]
💬 or message us on Messenger.
Totoong kwento. Totoong diskarte. Totoong inspirasyon.