Bodegang Bayan ng San Jose

Bodegang Bayan ng San Jose Salamat sa inspirasyon ng mga kababayan natin sa Maginhawa, binuo natin ang Bodegang Bayan ng San Jose para sa lahat ng nangangailangan at gustong tumulong.

Magandang araw sa lahat! Sa tulong ng Maginhawa CP, Rizal Community Pantries, at ating komunidad, nabiyayaan po ulit tay...
16/06/2021

Magandang araw sa lahat!

Sa tulong ng Maginhawa CP, Rizal Community Pantries, at ating komunidad, nabiyayaan po ulit tayo ng pagkain at gulay noong Linggo, June 13, 2021. Nagpapasalamat po kami sa tulong na aming natatanggap - tulong pinansyal man o effort sa pag-aayos ng pantry mismo.

Sa natitirang pondo ng bodegang pambayan, ating pinag-iisipan kung paano natin ito magagamit. Pinagninilayan rin natin kung isasara na ba natin ang pantry. Alam natin ang tulong nito sa mga pamilyang malubhang naapektuhan ng pandemya pagdating sa kabuhayan, kaya hindi rin madali ang desisyong ito.

Gayunpaman, nagpapasalamat kami sa lahat ng tulong - mula sa mga mapagbigay na mga kakilala at kaibigan hanggang sa mga matutulungin na mga miyembro ng komunidad. Mawala man ang BBSJ o hindi, sana ay manatili ang bayanihan sa ating komunidad.

Hanggang sa susunod na pagkikita!






12/06/2021

Magandang gabi, mga ka-bodega!Magpapadala po bukas ang Maginhawa Community Pantry ng gulay donations kaya makakapag open po tayo ng pantry. May natitira pa rin po tayong fund na gagamitin natin pandagdag sa pagbubukas ulit natin bukas!

Kitakits po sa Sumulong St. (Byaheros Express) bandang 4pm.

Magdala po kayo ng payong dahil maulan, at wag po nating kalimutang mag face mask at face shield para sa kaligtasan ng lahat.

See you tomorrow, mga ka-baranggay! Maligayang araw ng kalayaan na rin po! Hehe.

Magandang gabi mga ka-bodega! Buhay na buhay ang diwang   natin kaninang umaga dahil nakatuwang natin ang mga kabarangga...
24/05/2021

Magandang gabi mga ka-bodega! Buhay na buhay ang diwang natin kaninang umaga dahil nakatuwang natin ang mga kabaranggay nating nasa pila. Sila po ang nag-ayos ng ating mga napamiling gulay at gatas na donation from Anchor (care of Rizal Community Pantries at Ampid Community Pantry).

Maraming-maraming salamat po sa inyo! Sana next time po, makasama rin po namin kayong makapamili ng gulay sa palengke! Hehe.

Mabilisang paalala po pala. Dahil nga po napaka-limited pa rin ng ating suplay, hindi po natin pinapayagan ang "makikisuyo" sa pag-pila. Hangga't maaari po sana ay mismong taong kukuha ang pipila. Para na rin po maiwasan ang umulit sa pila para po hindi nakakahiya sa mga pumila na galing pa sa malayo o maagang pumila. πŸ™πŸΎ

Ayun lamang po, mga ka-bodega. Antabay po uli sa susunod nating pagbubukas. Maga-announce po kami, pramis.

Handa rin po ang mesa ng buhay para sa mga in-kind donations - gaano man karami. Sa mga nais magpadala ng monetary donations, maaaring magpadala sa mga sumusunod:

Bank account:
UnionBank
MARIJOE JANINE SABAREZ
109421290342

GCash:
ROMINA RAMOS
09173077821





Magandang araw, mga ka-pantry! Bukas ay may mapagsasaluhan po ulit tayong goods mula sa naipon nating donasyon! πŸ’“ Magbub...
23/05/2021

Magandang araw, mga ka-pantry!

Bukas ay may mapagsasaluhan po ulit tayong goods mula sa naipon nating donasyon! πŸ’“ Magbubukas tayo ng 7 am sa ating lokasyon sa 398 Sumulong Street. Sa mga pipila po bukas kung makakarating man po kayo nang mas maaga sa 7 am, kailangan namin ang tulong ninyo para makapag-ayos ng mga goods natin sa ating mesa ng buhay. πŸ™πŸ½

Handa rin po ang mesa ng buhay para sa mga in-kind donations - gaano man karami. Sa mga nais magpadala ng monetary donations, maaaring magpadala sa mga sumusunod:

Bank account:
UnionBank
MARIJOE JANINE SABAREZ
109421290342

GCash:
ROMINA RAMOS
09173077821

Ingat po tayo bukas!







Magandang umaga mga ka-bodega! Ngayong araw po ay nakapag bigay tayo ng samu't-saring gulay sa ating mga kababayan:Galin...
21/05/2021

Magandang umaga mga ka-bodega! Ngayong araw po ay nakapag bigay tayo ng samu't-saring gulay sa ating mga kababayan:

Galing sa mga nakalap nating cash donations:
* 10 kg ng pakbet mix
* 5 kg ng toge mix
* 5 kg ng kamatis
* 2 kg ng okra
* 1 bundle ng kangkong

Galing sa
* 21 pcs na repolyo
* half box ng patatas
* half box ng carrots

=====

UNANG PAGLILINAW: HINDI PO KAMI BUMIBILI NG "TIRA-TIRA" SA PALENGKE.

Sa totoo lang po, meron po tayong na-receive na sayote na nakita po naming magulang na. Kaya hindi na po namin ipinamigay. Tandaan po ninyo na iniisip po namin ang kalagayan nyo at hindi po kami magbibigay ng ikapapahamak natin.

PANGALAWANG PAGLILINAW: OPO, PER BATCH PO ANG PAGLALATAG NAMIN NG GULAY

Ito po sa ngayon ang best practice namin para mas marami pa ang makakuha sa ating . Napansin po kasi namin na maraming hindi nabibigyan na pumipila kapag lahatan naming inilatag.

Wala pa po tayo sa kalagayan na pantay ang suplay sa ating demand. Kaunting pag-unawa po sa kalagayan ng ating bodegang pambayan mga ka-baranggay.

=====

Maraming salamat po uli sa lahat-lahat na tumutulong sa pagtataguyod ng ating community pantry mula sa mga nagdodonate, nagbibigay ng oras, mental energy, physical energy, resources pati na rin po sa mga pumipila at naka-antabay sa ating page.

Tumatanggap pa rin po kami ng donations, goods man o cash. I-pm n'yo po kami sa mga nais mag donate ng goods/gulay/prutas.

Sa cash donations naman po, pwede n'yong i-send sa mga sumusunod:

Bank account:
UnionBank
MARIJOE JANINE SABAREZ
109421290342

GCash:
ROMINA RAMOS
09173077821

** PAGBUBUKAS NG BODEGANG PAMBAYAN: BIYERNES (05/21/2021) **ISANG BUWAN NA TAYO, MGA KA-BBSJ! πŸ’– Sa same location natin s...
20/05/2021

** PAGBUBUKAS NG BODEGANG PAMBAYAN: BIYERNES (05/21/2021) **

ISANG BUWAN NA TAYO, MGA KA-BBSJ! πŸ’–

Sa same location natin sa Sumulong Street, nakalatag po ang πŸ’« mesa ng buhay πŸ’« mula 8:30 AM para ating pagsaluhan ang biyaya mula sa Maginhawa Community Pantry! Welcome din po ang kung sino man ang gustong mag-abot ng in-kind donations para sa ating komunidad.

Donasyon, pagkain, transpo, oras, enerhiya, kakayahan, pakikipag-ugnayan... bawat tulong na naibabahagi natin ang nagbibigay-buhay sa ating community pantry at sa mismong komunidad. Maraming salamat sa bawat isa; sana ay marami pa ang makatulong at mabigyan ng tulong. 😍

Bukas pa rin po tayo sa pagtanggap ng donasyon. Heto po ang mga detalye:

Bank account:
UnionBank
MARIJOE JANINE SABAREZ
109421290342

GCash:
ROMINA RAMOS
09173077821

Huwag kalimutan ang masks, social distancing, at mag-ingat bukas. Kitakits!







Mapapagod pero magpapahinga lang at mag-tutuloy uli dahil  !Madalas po ang mga panahon na nakakawala ng loob kapag zero ...
19/05/2021

Mapapagod pero magpapahinga lang at mag-tutuloy uli dahil !

Madalas po ang mga panahon na nakakawala ng loob kapag zero balance o wala nang budget ang ating . Pero sobrang saya kapag may nagpapaabot ng tulong galing sa iba't-ibang indibidwal o grupo para sa ating community. Ang laking bagay rin po talaga na may mga katuwang sa pagtataguyod kaya sana ay mas dumami rin ang ating volunteers.

Nagbigay po ng apat na sako ng gulay ang sa atin. Mag-a-announce po kami sa mga susunod na araw kung kailan po natin mailalatag ang mga gulay. Ang mga indibidwal po sa likod namin ay mabi-busy lang sa trabaho at pamilya.

Sa mga nais pa pong mag-donate in cash, pwede nyo pa rin pong ipadala ang inyong tulong sa mga sumusunod:

Bank account:
UnionBank
MARIJOE JANINE SABAREZ
109421290342

GCash:
ROMINA RAMOS
09173077821

Sa mga nais naman pong mag donate ng goods, pwede nyo po kaming i-message dito!


Magandang linggo, mga kababayan! πŸ’“Updates:* Hot meals Sunday ng kabataan sa Sitio Pintor, Brgy. San Isidro* Kalagayan ng...
16/05/2021

Magandang linggo, mga kababayan! πŸ’“

Updates:
* Hot meals Sunday ng kabataan sa Sitio Pintor, Brgy. San Isidro
* Kalagayan ng mga pamilya at mga nangangalakal sa landfill ng Montalban

Siksik, liglig, at nag-uumapaw na Linggo sa Sitio Pintor, Brgy. San Isidro! πŸ₯° Kasalo natin ang halos 200 na mga bata sa ating munting almusal ng pancit at tinapay kaninang umaga. Maraming salamat sa mga volunteers na umalalay sa atin - mga kaibigan at pamilya, mga kapatid natin sa Sitio Pintor, mga miyembro ng homeowners association. Sobrang thank you rin sa mga donations at pledges na nagsilbing biyaya para sa mga bagets natin. :)

Pangunahing kabuhayan ng mga taga-Sitio Pintor ang pangangalakal sa nasasakupang landfill. Nalaman namin mula sa mga miyembro ng komunidad ang pagbabago ng kabuhayan nila mula noong nagka-pandemya. Mula sa araw-araw na pangangalakal, naging tatlong beses na lang upang magbigay-daan sa tumaas na bilang ng mga nangangalahig. Bukod dito, ang komunidad nila ay wala pa ring direktang pagkukunan ng tubig o kuryente. Nakadepende sila sa pag-iigib sa ibang parte ng San Isidro at paggamit ng generator.

Malaking bagay ang suporta natin sa mga komunidad ng Montalban kagaya ng Sitio Pintor. Ipanawagan din natin ang tuloy na pagtulong sa kanila ng lokal na pamahalaan lalo na sa mga pangangailangan nila.

Kakayanin 'to ng bayanihan natin. Go lang ng go, mga ka-paaaantryyyyy! 😍





ANNOUNCEMENT AT CALL FOR VOLUNTEERS:Naghahanda po kami para sa dadating na Linggo, May 16. Pupunta po ang ating modified...
13/05/2021

ANNOUNCEMENT AT CALL FOR VOLUNTEERS:

Naghahanda po kami para sa dadating na Linggo, May 16. Pupunta po ang ating modified enhanced flexible Bodegang Bayan ng San Jose sa landfill sa Brgy. Macabud para mamigay ng hot meals sa mga kababayan nating nakatira doon.

Nangangailangan po kami ngayon ng masasakyan papunta sa venue kaya naman po, nananawagan po kami ng volunteer na may sasakyan. PM nyo lang po kami dito sa iba pang detalye! πŸ™πŸΎ

Magandang gabi mga ka-bodega! Updated na po ulit ang ating finance document at na-audit na po natin para po sa transpare...
13/05/2021

Magandang gabi mga ka-bodega! Updated na po ulit ang ating finance document at na-audit na po natin para po sa transparency. Salamat po sa inyong pagtitiwala sa ating ! Ito po ang Google sheet na may listahan ng cash donations na natanggap at kung saan ito ginastos mula po nung tayo ay nakapag bukas: https://docs.google.com/spreadsheets/d/1dkpQvnKT80_EYCBb_p5eUqb-cj9_LfRKInpHcDCQxrg/edit?usp=sharing

May bago po kaming update at i-aannounce po namin sa mga susunod na minuto. Pa-abang na lang po! πŸ™πŸΎ

Cash Donations Date,Person,Amount,Receipt,Total Cash Donations Received:,17,155.00 19 Apr 2021,Heherson T.,1,000.00,https://drive.google.com/file/d/1tuGjA-i-d_B_iPIYgK-_62Y04pwhkWRD/view?usp=sharing ...

Magandang gabi, mga MontalbeΓ±o! Kaninang umaga ay nabahagian ang mga kababayan natin ng masustansyang gulay, salamat sa ...
11/05/2021

Magandang gabi, mga MontalbeΓ±o!

Kaninang umaga ay nabahagian ang mga kababayan natin ng masustansyang gulay, salamat sa donasyon ng at ambagan natin bilang isang komunidad. (Heto na ulit ang ambag natin ah. 🀣)

Maraming thank you siyempre sa mga nakisama sa pagsuot ng mask, pag-obserba sa social distancing, at pakikisama sa mga nasa pila. Maraming salamat din sa mga nagbigay ng barya sa donation box natin. Special shoutout na rin kay Ateng Streetsweeper na nililinisan ang puwesto natin sa Sumulong (c/o Ate Grace) araw-araw. πŸ’—

Wala muna tayong pila sa mga susunod na araw dahil din sa kakulangan ng pondo at supplies. πŸ₯Ί Gayumpaman, nakalatag pa rin ang πŸ’« mesa ng buhay πŸ’« sa mga gustong mag-abot ng tulong. Maaari rin pong magpadala ng donasyon sa mga sumusunod:

Bank account:
UnionBank
MARIJOE JANINE SABAREZ
109421290342

GCash:
ROMINA RAMOS
09173077821

Sana po ay magkita-kita tayong muli, mga kababayan. Ingat tayo palagi!





Address

Rodriguez
1860

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bodegang Bayan ng San Jose posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bodegang Bayan ng San Jose:

Share