Ang University Freshie Council (UFC) ang nagsisilbing pangunahing kinatawan ng mga freshies, shiftees, at transferees (FSTs) ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Binubuo ang konseho ng mga FST College Representatives na hinahalal o itinatatalaga ng kani-kaniyang lokal na college councils. Pinangungunahan ang konseho ng Executive Committee, na kinabibilangan ng Chairperson, Vice Chairperson, Secret
ary-General, Treasurer, Business Manager, at Public Information Officer. Sa pamamagitan ng iba-ibang komite – Students’ Rights and Welfare (STRAW), Secretariat, Finance, Ways and Means (WAM), Mass Media Committee (MMC), at mga Special Standing Committee tulad ng Education and Research (EdRes) at Committee on Culture and Arts (COCA), kasama ang mga ad hoc committee para sa iba-ibang proyekto – naipapaabot ng konseho ang batayang serbisyo at programang tumutugon sa pangangailangan ng mga FSTs. Itinatag ang UFC noong 2014 ng mga kasapi ng University Student Council (USC) upang tugunan ang mga natatanging hamon ng mga FSTs sa UP Diliman. Kabilang dito ang pag-angkop sa kultura at kapaligiran ng pamantasan, pagharap sa mabigat na akademikong gawain, at pag-unawa sa responsibilidad ng pagiging Iskolar ng Bayan. Nagsisilbi rin ang UFC bilang plataporma upang hikayatin ang mga FSTs na makilahok sa mga pagkilos, makiisa sa mga batayang sektor ng lipunan, at magsilbing lunsaran ng mga oportunidad upang makagawa ng pagbabago sa komunidad. Sa ganitong paraan, binabasag ng konseho ang maling pananaw na “Freshie LANG,” at ipinakikita na bawat FST ay may kakayahan, boses, at papel sa pagpapanday ng pagbabago sa ating lipunan. Sa panahong patuloy ang mga pag-atake sa karapatan ng mga mag-aaral at pagkaltas sa pondo sa edukasyon,matingkad ang tungkulin ng konseho na kumilos at magpakilos. Mga FSTs ng Bayan, ang ating tugon sa hamon ng lipunan: Liyab, diwang palaban! Ang UFC ay binubuo nina:
Executive Committee
Chairperson: Sam Arroyo
Vice Chairperson: Anikka Nituma
Secretary-General: Gianna Geronimo
Treasurer: AJ Lyon Padilla
Business Manager: Andre Paris
Public Information Officer: Jared Veridiano Sayas
College Representatives
Arki: Jedidiah Luma-as
AIT: Audrey Bermundo
CAL: Adrienne Yonzon
CBA: Valeriejoy Abaquita
CFA: [VACANT]
CHE: Pat Javier
CHK: Sharlyn Sy
CMC: Reine Yongco
CMU: [VACANT]
CS: Rhianne Ibe
CS: Em Rojas
CSSP: Wilbert Pillos
CSWCD: Miguel Dabu
Econ: Carla Habito
Eduk: Jian Luizon
Engg: Ishi Sarmiento
Engg: Ygi Dela Cruz
Engg: Dewey Compas (Interim)
NCPAG: Marco Fabros
SLIS: Ethan Manaloto
STAT: Luck Neala