26/09/2026
Isa sa pinaka-benefit nung nagka-Aion kami, lalong tumipid yung late night family foodtrip runs namin. 😂
Dati sa Galant, iniisip ko mura lang naman yung kakainan natin. Pero at the back of my head, alam kong mas mahal pa minsan yung Blaze 100 na sinunog namin kaysa sa pagkain. 😂
Which is totally fine naman. Car guys tayo eh! At least na-drive mo yung Galant at nakapag-family bonding kayo. ❤️
Pero iba rin pala yung legit na cheap cheap foodtrip run. 😂
₱450 yung pagkain namin. 20 kms balikan, wala pang ₱50 yung kuryente.
Comfortable buong family, aircon, ikot kung saan maisipan, tapos ₱500 lang halos lahat-lahat, may core memories pa mga anak ko. 😂❤️
Of course sasabihin niyo, “May monthly naman yung Aion!”
Yes, ₱22k/month. 😂
Pero dati, isang foodtrip run namin sa Galant, madaling ₱1k to ₱2k sa gas balikan. Kaya kahit gusto namin gawin weekly, mapapaisip ka rin kapag pinagsama-sama mo sa isang buwan.
Ngayon?
“Tara, Burger Machine.”
Larga agad. 😂
Hindi naman libre magkaroon ng EV. May monthly, insurance, tires, maintenance at charging pa rin.
Pero grabe talaga yung difference sa day to day operating cost. Dahil sobrang baba ng OPEX per trip, mas madali nang gawing regular yung mga simpleng lakad na dati pinag-iisipan pa namin.
Buti na lang buhay pa ang Burger Machine. Naalala ko, dinadala rin ako ng parents ko dito nung bata ako. Kaya grabe yung nostalgia feels.
Tapos hanggang ngayon, simple lang. Jumbo Burger, catsup at mayo, solb na solb na kami! 😂
Ngayon ako naman yung nagdadala sa mga anak ko.
₱500 lang yung foodtrip, pero baka 20 years from now sila naman yung magkukuwento na dinadala sila ng parents nila sa Burger Machine.
Ayun yung priceless. ❤️