29/07/2026
📌 ISYU SA CONFIDENTIAL FUNDS
Nagkaroon ng palitan ng tanong at sagot sina Senator-Judge Robin Padilla at House Prosecutor Joel Chua hinggil sa usapin ng confidential funds.
Tinanong ni Padilla kung pangkaraniwan bang ibinibigay ang confidential funds sa mga ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay Chua, nakadepende ito sa bawat government agency.
Binigyang-diin naman ni Padilla na kung nakabatay ito sa pangangailangan ng bawat ahensya, hindi ito maituturing na pangkaraniwan, at sumang-ayon dito si Chua.
🗓️ 29 Hulyo 2026
Ano ang inyong pananaw sa usaping ito? Ibahagi ang inyong opinyon sa comments, at panatilihing magalang ang talakayan.