12/03/2024
MAGANDANG ARAW SA LAHAT!
Kahapon po, March 11, 2024 sa ganap na 10:00AM na HACKED po ang aking Facebook account ( LHYNN CUERDA DUMLAO).
Nalaman ko po ito dahil sa pagtawag ng isang kaibigan na nagsabi na hindi s'ya makapagpadala ng halaga na hinihingi ko ( HACKER ang kausap at hindi ako). Dahil dito naalarma ako at nagpatulong sa aking mga kaibigan at kamag-anak upang marecover ang account ko subalit kahit anong gawin namin ay tuluyan na itong na manipulate ng hacker at di ko na mabawi.
Wala pong may kagustuhan sa pangyayaring ito lalong lalo na po ako na nawalan ng mahalagang bagay na iniingatan ko ng matagal na panahon kaya humihingi po ako ng paumanhin sa mga taong nagpadala ng pera sa hacker. Nais ko pong malaman ninyo na wala na po aking control ang mga pangyayari.
Para sa lahat ng aking KAIBIGAN, KAMAG-ANAK, SUPPLIERS o iba pang nakakakilala sa akin, mangyaring magtext o tumawag po muna sa akin kung may nag message po sa inyo na nanghihingi o nangungutang gamit ang aking account (LHYNN CUERDA DUMLAO).
Maraming salamat po at sana matulungan nyo po ako na maireport ang account ko upang hindi na makapang biktima ang kumuha ng account ko.