28/01/2026
TBM REOPENS THIS FEBRUARY 2026 TO ALL INTERESTED BUSINESS OWNERS FOR FREE!
PAALALA: Basahin muna po natin ng maigi upang malaman ang mga gagawing hakbang at maintindihan ang aming nais ipahiwatig sa publiko.
Nais po namin ipabatid sa lahat na kung anuman pong desisyon ang aming nagawa o ginagawa, lahat po ng ito ay desisyon ng aming management at walang kinalaman ang sinumang organisasyon o indibidwal sa mga hakbang at plano na aming ginagawa. Hindi po namin ikinakaila na nagdesisyon po ang aming management na limitahan ang bilang ng suppliers at business owners na aming papapasukin sa TBM noong ito ay nagsisimula. Hindi din po namin ikakaila na dumating kami sa desisyong pansamantalang isara ang establisyamento sa kadahilanang wala na pong masyadong bumibisita dahil sa tapos na ang nakasanayan nating fiesta season at ang nagdaang holiday season. At ngayong magbubukas na muli ang TBM, dahil na rin sa kinailangan nang bigyan ng atensyon ang ibang linya ng negosyo ng contractor nito, ay nakapagdesisyon ang management na buksan na ito sa lahat ng interesadong business owners at dahil maikli na lamang ang panahon na kanilang gugulin upang kumita at makabawi, wala na kaming sisingilin na renta para sa mga stalls na kukunin nila. RENT IS 100% FREE OF CHARGE. 20 STALLS WILL BE OPEN FOR GRAB. FIRST COME, FIRST SERVED BASIS. Ngunit upang mas magkaroon ng EQUAL UNDERSTANDING AND MUTUAL AGREEMENT, bubuksan lamang po namin ang oportunidad na ito sa mga business owners na nagnanais pumirma ng “Contract of Agreement” sa amin.
Narito po ang ILAN sa mga nilalaman ng kontrata:
1. Walang rentang babayaran o sisingilin ang TBM sa mga business owner.
2. Ang business owner ay kinakailangan lamang magbigay ng kanilang parte sa buwanang bayarin ng kuryente, tubig at pasahod ng security/marshalls.
Halimbawa (hindi po ito ang actual computation):
Tubig - 7,000
Kuryente- 18,000.00
Sahod ng walong (8) security personnel sa loob ng tatlumpung (30) araw - 84,000 (350 rate per night)
Total: 109,000.00
Divided by 20 Stall Owners: 5,450.00 (ito lamang po ang babayaran ng stall owners sa loob ng isang buwan sakaling tumugma ang bilang ng bayarin sa projected computation)
Muli’t muli ang computation po na ito ay halimbawa lamang at kung mayroon po kayong iba pang katanungan ay maari po ninyong isangguni sa amin sa personal. Bubuksan po namin ang aming opisina sa Sabado, January 31 10AM - 2PM hanggang Linggo, February 1 10AM - 2PM, sa mga nagnanais pong kumuha ng puwesto sa The Baypoint Masinloc. Ito po ay paraan ng aming pagtulong sa aming mga kapwa Masinloqueño na nagnanais kumita ngayong papasok na Civic Town Fiesta. Nawa’y gawin natin ito sa maayos na paraan. Maraming salamat at magkita-kita po tayo sa muling pagbubukas ng The Baypoint Masinloc. 🩷
TBM Management