Musicians for Peace

Musicians for Peace Artista ng Bayan, Tuloy Tuloy ang Laban! Follow us on Youtube and Soundcloud: Musicians for Peace

Nakikiisa ang Musicians for Peace sa laban ng mga residente ng Leona Compound laban sa bantang demolisyon sa kanilang ko...
22/03/2026

Nakikiisa ang Musicians for Peace sa laban ng mga residente ng Leona Compound laban sa bantang demolisyon sa kanilang komunidad noong March 19. ๐Ÿ”ฅ

Naglunsad ng Solidarity Night ang Leona Compound Neighborhood bilang porma ng pagkilos na itigil ang nakaambang demolisyon sa lugarโ€”matapos silang padalhan ng notice ng Pasig City LGU noong Pebrero 18 at bigyan ng 30 araw upang boluntaryong lisanin ang kanilang mga tahanan.

Hanggang ngayon, nananatiling hindi malinaw sa mga residente ang tunay na dahilan ng planong demolisyon. May mga usap-usapan na tatayuan umano ito ng paaralan at eskuwelahanโ€”ngunit walang malinaw na proseso, sapat na konsultasyon sa mga residente, financial assistance, o maayos na relokasyon, na lahat ay nararapat ayon sa batas.

Hindi dapat iwasan ni Mayor Vico Sotto ang hinaing ng mga residente sa komunidad. Sa halip na magkaroon ng bukas at makataong diyalogo, siya ay itinuturong isa sa mga may pananagutan sa planong pagpapalayas sa mga residente ng Leona Compound.

Hindi lamang mga bahay ang nakataya ritoโ€”kundi pati kabuhayan ng mga manggagawa, edukasyon ng mga kabataan, at maliliit na negosyong bumubuhay sa komunidad.

Sa gitna ng lumalalang krisis sa ekonomiyaโ€”sa mataas na presyo ng bilihin at mababang pasahodโ€”lalong nahihirapan ang mamamayan habang patuloy na nakikinabang ang iilan. Kayaโ€™t mahalagang sama-sama nating tutulan ang ganitong mga paglabag sa karapatang pantao.

Hindi ito simpleng usapin ng kahirapanโ€”ito ay usapin ng sistemang nagpapahirap.

Ipaglaban ang karapatan ng maralitang lungsod!
KARAPATAN NG MAMAMAYAN,
IPAGLABAN!



18/01/2026

Musicians for Peace joins Pandayang Lino Brocka! ๐ŸŽž๏ธ๐ŸŽถ

Itinanghal ang orihinal na awiting pinamagatang, "TUMINDIG" sa film showing event na may temang "Walang Ku-KORAP!"

Ang kantang ito ay pumapatungkol sa panawagan sa sambayanan na makatarungan ang paglaban sa isang bulok na sistemang pinaghahari-harian ng mga kurakot, magnanakaw, kapitalista, at pasista.

Isa itong mensahe na sawa na ang masa sa paghihirap at pagdurusa, kaya wala nang iba pang panahon kundi ngayon para mangialam, tumindig, at bumoses para sa kalayaan.

Kung nais mo ring gamitin ang iyong sining sa paglikha ng awitin para sa pakikibaka, JOIN MUSICIANS FOR PEACE NA! โœจ

https://tinyurl.com/Musicians4Peace
https://tinyurl.com/Musicians4Peace


โ€ผ๏ธ DEMOLISYON TUTULAN! BAHAY AY BUHAY โ€ผ๏ธ Nakaharap sa banta ng demolisyon ang komunidad ng Leona Compound, Pasig City. K...
18/01/2026

โ€ผ๏ธ DEMOLISYON TUTULAN! BAHAY AY BUHAY โ€ผ๏ธ

Nakaharap sa banta ng demolisyon ang komunidad ng Leona Compound, Pasig City. Kanina, nagkaroon ng educational discussion tungkol sa karapatan sa paninirahan, kasabay ng documentary at movie watching na sumasalamin sa sitwasyon ng mga residente. Nagsagawa rin ng panayam sa mga lokal at opisyal ng kanilang asosasyon upang mailahad ang kanilang karanasan at patuloy na laban kontra demolisyon.

Panawagan ito sa mga artista ng bayan na makilahok at makiisa sa ganitong mga pagkilos at gamitin ang sining bilang boses ng masang-api at sandata sa pagtatanggol ng karapatan sa tahanan. โœŠ

๐Ÿ“ฃ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™„๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐™๐™Š๐™๐™€๐™Ž๐™๐˜ผ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐™‡๐™Ž๐˜ผ๐˜ฟ๐˜ผ!Sama-sama nating igigiit ang ating boses laban sa korapsyon at katiwalian! Mga artista ...
29/11/2025

๐Ÿ“ฃ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™„๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐™๐™Š๐™๐™€๐™Ž๐™๐˜ผ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐™‡๐™Ž๐˜ผ๐˜ฟ๐˜ผ!

Sama-sama nating igigiit ang ating boses laban sa korapsyon at katiwalian!

Mga artista ng bayan, dalhon ang sining mula sa ating mga pluma, papael at, lente tungong lansangan ng Mendiola. Paugungin natin ang lakas ng mga kabataan, artista, mamamayan, at bawat komunidad!

LUMABAS AT MAKIISA โ€” mula sa mga tahanan, palengke, eskwelahan, opisina, at simbahan!

๐Ÿ—“ Nobyembre 30, 2025
๐Ÿ“8:00 AM - 9:00 AM: Kalampagan Kontra Korapsyon sa Kamaynilaan
๐Ÿ“9:00 AM - 9:30 AM: Martsa papuntang Luneta
๐Ÿ“1:00 PM - 5:00 PM: Programa sa Mendiola

โœŠ Sama-sama sa Protestang Bayan Kontra Kurakot!

๐’๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐ข ๐ฌ๐š ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐†๐‚:

ONE UBELT
https://m.me/j/AbaP7yqYKuwNsgUc/

ONE TAFT
https://m.me/j/AbY7JgXD34avhRjO/

Humanay sa mga organisasyon ng mga manggagawang pangkultura at mga artista ng bayan. Sumali sa ๐‘บ๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’–๐’ˆ๐’Œ๐’๐’”! โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅโœจ


07/11/2025

PANOORIN: Naghandog ng awiting Panata sa Bayan ang Kalipunan ng Kabataang Kultural sa isinagawang pagkilos ng mga grupo sa LRT Monumento para ipakita ang kabuluhan ng sama-sama at kolektibong aksyon para makamit ang hustisyang panlipunan.

07/11/2025

๐Ÿ‘‹ TARA NA AT SUMAMA SA LAKBAYAN NG MGA MAMAMAYAN SA NCR NA BIKTIMA NG BAHA AT KORAPSYON! โœŠโœจ

Sa darating na Nobyembre 7, 2025, sama-sama tayong makiisa sa LAKBAYAN, isang pagkilos para iparinig ang boses ng bayan sa pang-aabuso, kapabayaan, at sistemikong katiwalian.

2:00 PM โ€“ Liwasang Bonifacio
5:00 PM โ€“ Mendiola

Abangan ang mga kultural na pagtatanghal tulad ng Dulaang Kalye ๐ŸŽญ, Awit Galaw ๐Ÿ’ƒ, at mga Musika mg Bayan ๐ŸŽถ na magbibigay-buhay sa ating panawagan na magpapaigting ng ating diwa ng pagkakaisa.

Para sa masa ang protesta, isang pagkilos ng pag-asa!

Halinaโ€™t sumama sa Lakbayan!
LUSOB, TAUMBAYAN! IPAKITA ANG DALUYING NG MAMAMAYANG LUMALABAN! ๐Ÿ’ช

07/11/2025

Ang dulaang kalye ng Sining Bugkos ay itatanghal sa unang pagkakataon sa Lakbayan ng Mamamayan Kontra Korapsyon sa Biyernes, Nobyembre 7, sa ganap na 2:00 ng hapon sa Liwasang Bonifacio, Maynila.

07/11/2025
07/11/2025
"Sa hamon ng panahon, itaas ang kamao!" โœŠ isa sa mga linya sa aming kantang 'Hindi Kami Aalis.'Matagumpay na nakapag-bus...
20/06/2025

"Sa hamon ng panahon, itaas ang kamao!" โœŠ isa sa mga linya sa aming kantang 'Hindi Kami Aalis.'

Matagumpay na nakapag-busking ang Musicians for Peace kasama ang iba pang mga kultural na organisasyon malapit sa EARIST, Sta. Mesa, Manila! ๐ŸŽถ

Sama-sama nating ipanawagan ang pagtutol sa pagtaas ng presyo ng langis at bilihin, pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, at isang makanayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon para sa mga kabataan. Sa pamamagitan ng pagtugtog at pag-awit, ipaglingkod natin ang bawat himig sa masang Pilipino na nagdudusa sa ilalim ng bulok na sistemang panlipunan.

Artista ng bayan, tumugtog tungo sa kalayaan at kapayapaan! Sumali ng Musicians for Peace! ๐Ÿ’™

https://tinyurl.com/Musicians4Peace
https://tinyurl.com/Musicians4Peace

โ€Žโ€Ž๐ŸŽถ ๐™‚๐™„๐™‘๐™€ ๐™ˆ๐™€ ๐˜ผ ๐˜ฝ๐™€๐˜ผ๐™! ๐ŸŽถโ€Žโ€Ž๐™Ž๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™™๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ nag๐™ง๐™–๐™ง๐™–๐™ก๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ง๐™ค๐™ก๐™—๐™ค๐™ญ? ๐Ÿ˜…โ€Ž๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ฎ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™ช๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™œ-๐™ช๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ง๐™–๐™ก๐™ค ๐™š๐™! ๐Ÿ˜โ€Ž๐˜ผ๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™๐™–๐™ข๐™ž๐™ก๐™–๐™ฌ๐™๐™–๐™ฎ!!! ๐Ÿ˜ฑโ€Ž๐™ฃ๐™–๐™ ๐™–๐™ ...
19/06/2025

โ€Ž
โ€Ž๐ŸŽถ ๐™‚๐™„๐™‘๐™€ ๐™ˆ๐™€ ๐˜ผ ๐˜ฝ๐™€๐˜ผ๐™! ๐ŸŽถ
โ€Ž
โ€Ž๐™Ž๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™™๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ nag๐™ง๐™–๐™ง๐™–๐™ก๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ง๐™ค๐™ก๐™—๐™ค๐™ญ? ๐Ÿ˜…
โ€Ž๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ฎ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™ช๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™œ-๐™ช๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ง๐™–๐™ก๐™ค ๐™š๐™! ๐Ÿ˜
โ€Ž๐˜ผ๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™๐™–๐™ข๐™ž๐™ก๐™–๐™ฌ๐™๐™–๐™ฎ!!! ๐Ÿ˜ฑ
โ€Ž๐™ฃ๐™–๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ! ๐™œ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ก๐™– ๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ง๐™–๐™ก๐™ค ๐™ฃ๐™– ๐™ฉ๐™ค? ๐Ÿฅบ๐Ÿ™…โ€โ™€๏ธ
โ€Ž
Pero may mas kapana-panabik pa kaysa sa rolbox!
โ€Ž
โ€ŽNgayong darating na Biyernes, ganap na alas-6 ng gabi, sa paligid ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), Maynila โ€” magbu-busking ang ๐— ๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ! ๐ŸŽค๐ŸŽธ
โ€Ž
โ€ŽTaraโ€™t damhin natin ang mapagpalayang himig! Sama-sama nating awitin ang panawagan para sa pagbabago. โœŠ๐ŸŽต
โ€Ž
โ€Žkita-kits! ๐ŸŽถ
โ€Ž
Sumali sa Musicians For Peace!
https://tinyurl.com/Musicians4Peace
https://tinyurl.com/Musicians4Peace
โ€Žhttps://tinyurl.com/Musicians4Peace



Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Musicians for Peace posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Musicians for Peace:

Share