20/09/2025
Ang tunay na pananampalataya ay hindi natatapos sa pagdarasal. Ang panalangin ay dapat humantong sa pagkilos at sa pagtindig para sa katotohanan, katarungan, at kabutihan. Kapag pinili nating manahimik sa harap ng katiwalian, tayo’y nagiging kasabwat sa sistemang sumisira sa kapwa at sa bayan.
Ayon sa Santiago 4:17, “Kaya nga, ang sinumang nakakaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa, ay nagkakasala.”
Ang pananampalataya na walang gawa ay patay (Santiago 2:17).
Kaya’t hindi sapat ang dasal kung hindi tayo handang tumindig para sa tama lalo na kung ang kawalang-katarungan ay hayagang namamayani.
Ang panalangin ay mahalaga, ngunit higit na mahalaga ang pagiging tugon sa panalangin ng iba at sa pagiging boses ng inaapi, sa pagkilos laban sa katiwalian, at sa pagtatanggol ng katotohanan sa pangalan ng Diyos na makatarungan. 🙏🇵🇭