
01/08/2025
‘HUMANDA MGA MAHILIG SA INSERTION’
Inihayag ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III na nagustuhan niya ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) na ibabalik niya ang numang panukalang General Appropriations Bill (GAB) na hindi “fully aligned” sa National Expenditure Program (NEP) para sa 2026 national budget.
“I precisely like the part he talked about the preservation of the National Expenditure Program. That is what we will be doing in the Senate… Humanda ‘yung mga mahilig sa insertion,” aniya.
Samantala, patuloy na umiiral ang mga usapin hinggil sa P142.7 bilyong ‘budget insertions’ diumano ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa 2025 national budget na, ayon kay Sotto, ay dapat maimbestigahan.
“We have to do that, because we cannot tolerate that. Hindi natin puwedeng hayaan maulit eh,” giit ng senador noong Miyerkules, Hulyo 23.
Source PilipinasToday