09/05/2026
🌷 HAPPY MOTHER’S DAY 🌷 #
Maligayang Mother’s Day sa lahat ng nanay, mommy, mama, inay, lola, tita, teachers, single moms, stepmoms, fur moms, at sa lahat ng kababaihang tumayong ina at naging sandigan ng pamilya. 💖 Saludo kami sa inyong walang kapantay na pagmamahal, sakripisyo, pag-aaruga, pag-unawa, at walang sawang pagsuporta. Kayo ang unang g**o, unang kakampi, at tunay na bayani ng bawat tahanan. ✨Hindi man madaling maging isang ina, patuloy pa rin kayong lumalaban at nagbibigay ng lakas para sa inyong pamilya. Kaya ngayong Mother’s Day, gusto naming ipaabot kung gaano kayo kahalaga at kamahal. 🌸 Sa mga nanay na malapit man o nasa malayo, sa mga lola at titang naging pangalawang magulang, sa mga teachers na nag-aruga na parang tunay na ina, at sa lahat ng tumayong magulang itong araw na ito ay alay para sa inyo. 💐 Maraming salamat sa pagmamahal na walang kondisyon.
Nawa’y mapuno ang inyong puso ng saya, kapayapaan, at pagmamahal na deserve na deserve ninyo. 🫶
💖 HAPPY MOTHER’S DAY SA LAHAT NG SUPER MOM! 💖