01/11/2025
In memory of my dear furry friends who crossed the rainbow bridge. All Souls Day poem.
AKO'Y ALIKABOK SA HANGIN
Di ko alam san lahat nagsimula
Pero sa king pgdating, sila'y tuwang tuwa
Ang taba ko daw at cute n tuta
Kung ituring nila, para kong bata
Panaho'y lumipas, lagay ay nag iba
Namatay c amo, nag asawa c kuya
Nagsimula n silang mgkaroon ng pamilya
Ngayon nama'y nasa ospital c mama
Ang dating turing bata, ngaun ay nag iisa
Tumatanda na rin na walang kasama
Laging malungkot ang aming tahanan
Nakakabasag minsan angkin katahimikan
Ilang araw n rin, akoy walang pagkain
Nilisan na yata ako kung wawariin
Kung kaya't nung gabi, ako ay lumabas
Tumayo sa kalye at nag antay ng oras
Walang nag aabot ng kahit anuman
Pagod,gutom akin ng naramdaman
Sa kalye ako'y napahandusay na lamang
Isang tunog ng kotse, huli kong napakinggan
Di na ko namulat sa kalyeng yaon
Ngunit napagmasdan ko, katawan ko'y nadudurog
Walang tumigil sa kin, upang kahit ilibing
Bagkus gulong pinadaan at ako'y nagiling
Buwan ay lumipas, wala n kong bakas
Ni dugo o fur, wala na sa landas
Minsan nama'y ako'y iyong ramdamin
Ako'y ngaun, alikabok sa hangin
by yours truly