16/06/2026
ILISTA ANG MGA PANGUNAHING FAST MOVING ITEMS SA IYUNG TINDAHAN.
Kailangan mo malaman ang fast moving items kasi sila ang nagdadala ng pera araw-araw. Sila ang “bestseller” mo.
Pag hindi mo sila kilala, dalawang bagay ang mangyayari: laging ubos ang mabenta, at tambak naman ang hindi mabenta.
Eto ang 5 rason kung bakit dapat bantay ka dito:
Para hindi ka mawalan ng benta
Pag ubos ang Coke Mismo, sigurado lilipat si suki sa kabilang tindahan.
Ang fast moving = laging hinahanap. Pag wala ka, ₱0 ka sa customer na yun.
Rule: Ang fast moving dapat hindi nawawalan ng stock. Kahit 2-3 piraso lang, meron dapat.
Para mas mabilis umikot ang puhunan mo
Fast moving: Bili mo ₱10, benta ₱12. Sa 1 araw ubos na 20 pcs.
Tubo: ₱40, pero balik agad ang ₱200 na puhunan kinabukasan. Pwede mo ulit iikot.
Slow moving: Bili mo ₱100, benta ₱120. Pero 1 buwan bago mabenta.
Tubo: ₱20, pero natulog ang ₱100 mo ng 30 days.
Mas okay ang maliit pero mabilis, kaysa malaki pero tulog.
Para hindi maipit ang pera mo sa slow moving
Kung ₱2,000 ang puhunan mo at binuhos mo lahat sa 10 kahon ng bagong chichirya na “try lang”, tapos hindi mabenta, wala ka nang pambili ng itlog, kape, at sabon — yung mga araw-araw talaga hinahanap.
Ang fast moving ang priority ng cash mo. Ang slow moving, “extra” lang dapat.
Para alam mo kung saan ka magpo-focus
Pag alam mong top 5 fast moving mo ay:
Yelo
Coke Sakto
Lucky Me
Kopiko Brown
Candle
Edi yan ang lagi mong iche-check bago magsara. Yan ang ilalagay mo sa harap. Yan ang hindi pwedeng maubusan lalo na pag weekend.
Para mas lumaki ang kita mo nang hindi lumalaki ang pagod
Hindi mo kailangan magdagdag ng 100 items. Minsan 10 items lang pero lahat fast moving, panalo ka na.
Mas konti ang inventory, mas konti ang bilangin, mas konti ang ma-expire, pero steady ang benta.