
11/06/2025
Araw ng Kalayaan 2025
Ngayong ika-127 anibersaryo ng ating kasarinlan, ating ginugunita ang tapang at sakripisyo ng mga bayani na nagbigay daan sa ating kalayaan. Sa temang "Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.", tayo'y inaanyayahang balikan ang ating makasaysayang nakaraan, pahalagahan ang kasalukuyang kalayaan, at magkaisa para sa mas maliwanag na kinabukasan.
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!