02/09/2026
From the bottom of my heart, THANK YOU. 🤍
Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa maliit kong business. 🥹❤️
Online-based lang tayo. Wala pang magandang area, wala ring formal na fitting area, at kadalasan tansyahan lang sa sukat. 😅 Pero kahit ganoon, patuloy niyo pa rin akong pinagkakatiwalaan at sinusuportahan.
Sobrang naa-appreciate ko po kayong lahat. Every inquiry, every rental, every repeat client, every recommendation, at kahit simpleng pag-share ng posts ko—malaking bagay na po sa akin. 🥹🫶
Sana patuloy niyo pa rin akong suportahan hanggang dulo. Pangarap ko na balang araw, magkaroon din tayo ng mas maayos at magandang place para mas ma-accommodate ko kayo nang mas maayos.
At syempre, special thank you sa kaibigan kong unang nag-push sa akin na subukan ang business na ito. ByJin Ambolodto🤍 Sobrang thankful ako sa lahat ng guides, positive advices, encouragement, at tiwala mo sa akin. Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay sa akin na may taong patuloy na naniniwala at nagsasabi na kaya ko. Sobrang blessed ako na nakilala kita. 🥹❤️
Sa lahat ng naging part ng journey na ito, maraming maraming salamat.
Hindi pa man perfect ang business natin ngayon, pero unti-unti nating binubuo. At sa bawat supporta ninyo, mas lalo akong ginaganahan na pagbutihin pa. 🫶
Thank you for choosing, trusting, and supporting my small business. 🤍
From online-based and “tansyahan muna” hanggang sa pangarap nating mas malaking collection at mas magandang place someday. 🥹
Thank you, everyone! Mahal ko kayong lahat.