12/10/2025
Makulay na Paggunita sa ASEAN-UNESCO at UNITED NATIONS ng Cawayan Integrated School-Secondary
Isang masiglang pagtitipon ang nagdulot ng kasiyahan at pagkakaisa ang naganap sa CIS-Secondary noong Oktobre 10, 2025, ipinagdiriwang ng paaralan at KATAP, ang ASEAN-UNESCO at United Nations, na may temang: "Asean 2025: Inclusivity and Sustainability."
Sa araw na yun ang lahat ay nakilahok, hindi alintana ang init ng panahon. Ang selebrasyong ay sinimulan ng 7:30 nang umaga, mula sa Cawayan covered court hanggang paaralan, upang itampok ang parada ng mga kasuotan ng iba't ibang bansa sa mundo. Kabilang dito ang mga mag-aaral at mga g**o sa kaniya-kaniyang kasuotan.
Pagdating naman sa paaralan ay agad na sinimulan ang palatuntunan ng magkahalong init at pagod subalit ang lahat ay masaya. Pagkatapos nito ay nagsiupuan na ang lahat. Pinangunahan naman ni Crystal Jade Valenzuela ang pagsasalita sa entablado na siyang emcee ng pagdiriwang.
Sa pag umpisa ng programa inanyayahan niya si Gng. Glenda T. Gama, g**o sa Values Education, upang pangunahan ang pagdarasal. Sumunod naman, ay si ginoong Ronelo M. Cardenas, upang pangunahan ang pambansang awit. Kasunod pa nito ay pagbabahagi ng pambungad na pananalita ni Ginoong Ronald I. Galit, Head Teacher ng paaralan. Nagbahagi din ng mahalagang mensahe si Gng. Hannah E. Surio, ang koordeneytor sa Araling Panlipunan. Nang matapos ay sinundan naman ito ng masiglang pagtatanghal ng CPAG. Kasunod naman ay ang pagpili ng mga itinanghal na magagandang kasuotan na pinangunahan ng isa sa mga hurado na si Bb. Mary Janne G. Cong-ay, ipinaliwanag niya ang kriterya o paraan ng pag pili ng mga mananalo, at ang mga piling mag-aaral na nanalo ay ang mga sumusunod:
Mr. United Nations ay si Jaysian R. Rebadulla, at Mrs. United Nations naman ay si Alianna Estremera. Sa kategorya naman ng mga g**o, ang pinarangalan bilang Mr. United Nations ay si Ginoong Edison G. Adlawan, at para naman sa Mrs. United Nations ay si Gng. Analene E. Oray. Pagdating naman sa kategorya ng LGBTQ nakatanggap naman ng parangal ay si Andrew Macailao.
Pagkatapos ng pagpaparangal, inanunsiyo ni Gng. Nelfa O. Canoza na batay sa dami naman ng partisipasyon, ang nanalo ay ang baitang 8, siya an nagbahagi rin ng importanteng mensahe sa kahalagahan ng UNESCO-ASIAN at United Nations sa pagpapatupad ng peace at order sa mundo, pati na din ng Inclusivity at Sustainability.
Sa ikalawang bahagi ng programa ay binanggit ni Bb. Karen Moreno, na ang mga patimpalak ay isasagawa sa mga piling seksyon ng paaralan. Ang mga patimpalak na gagawin ay: Ang quiz bee, Poster making, at Essay writing. Ang mga nanalo sa patimpalak na UNESCO-ASIAN quiz bee ay sina Mica Jane Q. Rominez, Mark Reno Lomocso at Jammie de Asis.
Dahil nga sa biglaan na pag-lindol hindi lahat ng patimpalak ay natapos at ipagpapatuloy na lamang sa Lunes, Oktubre 13, 2025.
Bagama't naantala ang pagdiriwang, likas naman na naisapuso ng mga mag-aaral ang pagbibigay-pugay sa pagkakaisa at kooperasyon ng mga bansa sa pagtugon sa mga pandaigdigang hamon at isyu sa pamamagitan ng selebrasyon.
Mga salita nina: Samantha M. Manlangit at Jasmin Vicario
Kuha ni: Christine A. Manaog