27/05/2025
𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐦𝐨 𝐛𝐚?
𝐀𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐈𝐃 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞𝐧𝐠 𝐢-𝐩𝐫𝐢𝐧𝐭!
Ayon sa PhilSys Act, tanging PSA lamang ang may karapatang mag-imprenta ng physical copy ng National ID.
𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠-𝐨-𝐨𝐟𝐟𝐞𝐫 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐃𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐈𝐃 — 𝐝𝐞𝐥𝐢𝐤𝐚𝐝𝐨 '𝐲𝐚𝐧! I-report agad sa [email protected].
💡𝐍𝐨 𝐧𝐞𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐭. 𝐈-𝐚𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐈𝐃 𝐬𝐚 𝐞𝐆𝐨𝐯𝐏𝐇 𝐚𝐩𝐩!
📴 𝐀𝐯𝐚𝐢𝐥𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐞𝐭 — 𝐢-𝐞𝐧𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐌𝐨𝐝𝐞!
Ayon sa 𝐏𝐒𝐀 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐚𝐧𝐝𝐮𝐦 𝐍𝐨. 𝟐𝟒-𝐔𝐂𝐃𝐌𝐒𝟎𝟎-𝟎𝟔-𝟎𝟐𝟎,
ang Digital National ID sa eGovPH app ay itinuturing na valid at dapat tanggapin ng mga government offices, private institutions, at ng publiko —kapag ipinakita direkta mula sa app.
⚠️ 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀:
Ang eGovPH ay isang one-stop public service app developed ng DICT para sa mabilis at madaling access sa iba’t ibang online government services — at kabilang dito ang Digital National ID.
Para sa mga isyu tulad ng hindi pagtanggap ng Digital National ID at iba pang non-app related concerns, makipag-ugnayan sa kinauukulang ahensya o kinatawan na namamahala rito.
I-download na ang eGovPH app sa:
🔹 Play Store: https://play.google.com/store/apps/details?id=egov.app
🔹 App Store: https://apps.apple.com/ph/app/egovph/id6447682225
🔹 App Gallery: https://appgallery.huawei.com/app/C111221319