17/01/2023
It's snack time! Try these delicious crunchy chips by 3 Sisters Homemade Banana Chips.
Taong 1995 ng ipinasara ang Marcopper Mining Corporation sa Santa Cruz, Marinduque dahil sa pagtagas ng mine tailings na nagdulot ng kontaminasyon sa ilog ng Boac. Kabilang si Jose Rivadeneira, na mas kilala bilang Ka Jose, sa mga nawalan ng trabaho.
Matapos dumalo sa mga pagsasanay na isinagawa ng iba't ibang ahensiya, naisipan ni Ka Jose at ng kanyang asawang si Adela na makipagsapalaran sa paggawa ng banana chips. Mayaman sa saging ang kanilang lugar at ang produksyon naman ng banana chips ay simple.
Nagsimula ang operasyon ng 3 Sisters’ Homemade Banana Chips sa bahay ng mag-asawa sa Brgy. Bangcuangan, Sta. Cruz, Marinduque gamit ang bahagi ng separation pay na kanyang natanggap. Siya ang nag-asikaso sa pagkuha ng mga kakailanganin sa produksyon, habang si Adela naman ang tagapagluto. Ang kanilang mga anak na sina Rosita, Rowena, Joel, at Rose Ann, bagaman nag-aaral sa elementarya noon, ay aktibong tumutulong sa kanilang mga magulang sa pag-iimpake at pagbebenta ng kanilang banana chips sa kanilang paaralan.
Ayon kay Ka Adela, “Malaki ang naitulong na maaga silang namulat sa banana chips project ng aming pamilya, kasi hanggang ngayon na nakatapos na sila ng pag-aaral ay patuloy pa rin sila sa pagtulong sa pag-pack at pag-market.” Ayun kay Ka Jose, “Blessing in disguise yung pagkaalis ko sa minahan. Ngayon kasi, eh, may golden banana chips kami na nakapagbibigay ng maayos na kita.”
Halos 75% ng kanilang banana chips ay ibinebenta sa Rejano’s Bakery na pagmamay-ari at pinamamahalaan ni Gng. Carmelita Rejano Reyes (Ka Mita). Si Ka Mita ay kinukunsidera ng PSTO-Marinduque bilang DOST champion dahil sa kanyang mga kontribusyon sa pagsusulong ng mga programa ng DOST, partikular na ang SETUP, na siya mismo ay patuloy na tinutulungan ng DOST-MIMAROPA sa ilalim ng programa. Pinayuhan ni Ka Mita sina Ka Jose at Ka Adela na i-upgrade ang kanilang produksyon at bisitahin ang opisina ng PSTO-Marinduque at mag-apply para sa SETUP innovation system support. Nakita ng mga kawani ng PSTO ang pangangailangan para sa bagong packaging, kagamitan sa pag-iimpake, at iba pang mga interbensyon upang higit na mapataas ang kalidad ng kanilang produkto at maging mas produktibo and negosyo, manpower training, at pagsunod sa Good Manufacturing Practices (GMP) upang maisa-ayos and pasilidad at makakuha ng License-to-operate (LTO) mula sa Food and Drug Administration (FDA). Sila ay nabigyan ng Php 300,000.00 noong 2012 at isinaayos ang packaging at label design ng kanilang produkto. Humaba ang buhay at nabawasan ang pagkadurog o pagkasira ng banana chips matapos ang pagbabago. Higit sa lahat, ang produkto ay naging isa sa mga produkto na inendorso ng Provincial Government bilang Marinduque’s Best Pasalubong dahil sa napakagandang packaging nito.
Upang matiyak ang kaligtasan sa pagkain ng produkto, dumalo ang 3 Sisters’ Homemade Banana Chips sa seminar sa Food Safety at cGMP na itinataguyod at inorganisa ng DOST. Ang epekto ng interbensyon ng DOST ay maaaring ibuod sa pamamagitan ng pagtaas ng pang-araw-araw na dami ng produksyon mula 1,000 piraso ng hilaw na saging hanggang 2,300 piraso. Sa kasalukuyan, natatanto ng kumpanya ang isang average na pagtaas sa produktibidad na 300% kumpara noong wala pa ang interbensyon ng DOST mula sa SETUP.
𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗶𝗺𝗮𝗿𝗼𝗽𝗮𝘃𝗲𝗻𝘁𝘂𝗿𝗲𝘀.𝗽𝗵?
Ang https://mimaropaventures.ph ay isang digital marketplace na ginawa ng DOST-MIMAROPA para maipakilala ang mga lokal na produkto ng mga assisted micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa MIMAROPA sa mas maraming mamimili sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa website, i-kokonekta ka sa assisted MSMEs para ikaw na ang direktang makipag-transaksiyon sa kanila. Secure at hassle-free, ‘di ba? Kaya log-on na sa mimaropaventures.ph!