
10/08/2025
Pinarangalan ang mga Nagwagi
Masayang isinagawa ng Sulangan Integrated School ang seremonya ng pagbibigay-parangal sa mga mag-aaral mula elementarya at sekondarya na lumahok at nagwagi sa iba't ibang patimpalak bilang bahagi ng pagdiriwan ng Nutrition Month noong ika-4 ng Agosto, ganapna alas 4 ng hapon.
Kabilang sa mga patimpalak ang Nutri-Quiz Bee, Nutri-Quiz Bowl, Cooking Contest, Poster Making, Slogan Writing, Essay Writing, at Nutri-Jingle Contest. Ipinagkaloob ang mga parangal sa mga mag-aaral na nakakuha ng puwesto sa bawat kategorya.
Sa Nutri-Quiz Bee (elementarya), nanguna si Nina Jane K. Arcenas (Grade 5) na sinundan ni Katrisse Deanna A. Veliganio at Zeyn Cayleb M. Legaspino. Sa Grade 4, unang puwesto si Asher Blake N. Apawan, ikalawa si Amelia Genelloren, at ikatlo si Nineza Rose Q. Hortelano. Sa Grade 3, nagwagi si Josha Mae B. Tawantawan sa unang puwesto, sinundan ni Kimberly M. Giducos at Maxine Zylee N. Luego.
Sa Cooking Contest (elementarya), nakuha ng Grade 5-Lily ang unang puwesto, Grade 5-Orchid ang ikalawa, at Grade 6-Ercilla ang ikatlo. Sa Poster Making, nagwagi sa unang puuwesto si Merey Charmien D. Jagdon, sinundan ni Chrisbelle S. Hubahib at sa ikatlo nasungkit ni Seth Juniel N. Tiongzon .
Sa Nutri-Quiz Bee (sekondarya), unang puwesto si Rhiana Desamparado (Grade 7), ikalawa si Michelle Batayola at ikatlo si Christen Joy Layon (parehong Grade 12), habang ikaapat sina Genevieve Alolor (Grade 10) at Kent Tyler Bigno (Grade 7). Sa Nutri-Quiz Bowl, nasungkit ng Grade 12 team nina Michelle Batayola, Fil Anthony Escaran, at Christen Joy Layon ang unang puwesto, sinundan ng Grade 10 team nina Geralyn Sumalinog, Genevieve Alolor, at Arshane Claire Lapidez, at ikatlo ang Grade 7 team nina Timothy Aloyan, Ryan Landao, at Jerah Duran.
Para sa Cooking Contest (sekondarya), sa kategoryang Appetizer, nagwagi ang Grade 12 ,nasungkit ang ikalwang puwesto ng Grade 11 , ikatlong puwesto naman ang Grade 10 , at nakamit ang ikaapat na puwesto ng Grade 9 . Sa Dessert, unang puwesto ang Grade 10, ikalawa ang Grade 12, ikatlo ang Grade 9, at ikaapat ang Grade 11. Sa Main Dish, muling nanguna ang Grade 10, sinundan ng Grade 12, Grade 9, at Grade 11.
Sa Poster Making (sekondarya), unang puwesto si Christian Ray Ofril (Grade 10-Iris), ikalawa si Vladymier Q. Moradas (Grade 11-Snowberry), ikatlo si Ryle Maura D. Jagdon (Grade 7-Bluebell), ikaapat si Cyril Jade V. Marfa (Grade 7-Primrose), at ikalima si Nina Mae N. Grande (Grade 9-Aster). Sa Slogan Writing, unang puwesto si Andrei Clarence S. Ompad (Grade 7-Bluebell), ikalawa si Rafael A. Cueva Jr. (Grade 7-Primrose), ikatlo si Niña Mae L. Desuyo (Grade 7-Alyssum), ikaapat si Ace C. Bustillo (Grade 11-Snowberry), at ikalima si Layne Alexa Alolor (Grade 9-Candytuft).
Sa Essay Writing, unang puwesto si Danielle Elijah Rabaya (Grade 11), ikalawa si Yannah Rose V. Barcoso (Grade 10), at ikatlo si Daniela Servize (Grade 12). Samantala, sa Nutri-Jingle Contest, unang puwesto ang Grade 12, ikalawa ang Grade 10, at ikatlo ang Grade 11.
Bakas sa mukha ng mga nagwaging mag-aaral ang kasiyahan at kagalakan sa pag-uwi ng mga sertipiko ng pagkilala sa kanilang pagsusumikap.
"Ang akon sadto, na-feel happy ako kay first time baya ako naka-apil sa cooking contest, tag wa lat ako nag-expect na madaog kami. Sunod, ang amon pagpangandam kay gi-prepare namon tanan ingredients, mga gamit, tag nano ang steps sa pagluto," saad ni Mary Christel Arcenas, isa sa nag-uwi ng parangal.
✍️ Jason Sevilleno
📷 Rudy Fuentebella