09/04/2026
๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฌ
Ipinapaalam ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko at sa mga relying parties na ang pagpi-print ng Digital National ID sa Polyvinyl Chloride (PVC) o mga plastic card ay mahigpit na ipinagbabawal.
Gayundin, ang mga Digital National ID na naka-print sa PVC cards ay hindi tatanggapin bilang patunay ng pagkakakilanlan at edad sa anumang pampubliko at pribadong transaksyon.
Tanging ang PSA lamang ang may awtoridad na mag-print at mag-isyu ng National ID. Ang sinumang indibidwal o grupo na mapatunayang sangkot sa hindi awtorisadong pagpi-print, paghahanda, o pag-isyu ng National ID ay maaaring patawan ng parusang pagkakakulong ng 3 hanggang 6 na taon at multang mula Php 1,000,000 hanggang Php 3,000,000, alinsunod sa Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act.
Para sa anumang impormasyon kaugnay ng hindi awtorisadong pagpi-print ng National ID, kabilang ang Digital National ID, hinihikayat ang publiko at mga relying parties na mag-ulat sa mga sumusunod na opisyal na channel: (1) Hotline 1388; (2) email sa [email protected]
; at (3) Facebook sa facebook.com/PSANCRgovph.
Basahin ang buong advisory dito: https://psa.gov.ph/content/public-advisory-46