12/05/2026
“Lord, Kahit 10 Orders Lang…”
Story time..
Paano nga ba nagsimula ang lahat?
Hindi ko naman talaga plano noon na gawing live setup yung on-the-spot customized bag charms.
Kasi originally, souvenir business talaga yung ginagawa ko. Yung mga customized bag charms na on the spot, usually ino-offer lang siya talaga sa events. Pero dahil may work pa ako that time, alam kong hindi ko kaya yung ganung setup na nasa onsite at buong araw tutok. Paano pag may nagbook? Hindi ko ma ga-grab kasi may work ako. Mostly sa inquiries ay weekdays ang event. May customer pero dahil iisa lang ang katawan ko, ako mismo nag ka cancel ng order nila.
Dumating na sa point na every after duty ko, napapatingin ako sa mga stocks ko specially na binibenta ko rin retail na dinisplay na rin sa shop.
Iniisip ko, “Paano ko kaya ito mabebenta habang busy ako sa work?”
Hindi siya fast moving noon.
Sayang yung stocks.
Sayang yung idea.
Pero hindi ko alam paano magsisimula.
Hanggang sa naisip ko…
“What if i-live ko kaya?”
Wala pa halos akong nakikita noon na gumagawa ng on-the-spot customized bag charms through live selling. Natatakot pa nga ako nung una kasi baka walang bumili, baka hindi mag work. Lalo na’t di naman ako sanay sa pag live or ma social media.
Bago ako mag setup ng first live ko, nag pray muna ako.
Sabi ko kay Lord,
“Kapag naka atleast 10 orders ako tonight, itutuloy ko ito. Kapag hindi, baka hindi talaga ito para sakin.”
Naaalala ko pa noon, buong isang araw ng day off ko, pinagplanuhan ko lahat, paano ang ayos. Ano yung pagpipilian, paano sya madali makukuha. Habang inaayos ko yun may some thoughts sa utak ko baka masayang effort ko pero atleast ma try kesa pagsisihan.
From night hanggang mag 6AM, wala akong tulog kakalive. Bakit nga ba?
Nagsimula pa ako noon na 2 viewers lang. Akala ko eto na ang 1st and last live ko. After 15mins, may nagbibigay ng roses habang live, tapos sabi ko pa nun,
“Hala may nagbibigay ng Rose at Heart. Grabee, Ayaw ko nyan, gusto ko umorder kayo. Hahahaha”
After Hello ko sa unang live ko parang yan ata yung pinaka mahaba kong linya na sinabi, tapos..
Biglang dumami viewers.
Biglang sunod sunod yung inquiries at may orders na.
Parang dinumog talaga.
Natataranta pa ako nun honestly, kasi first time pero sinet aside ko kasi imbes na ma pressure, mas na motivate ako.
From praying na atleast 10 orders…
binigyan ako ni Lord ng 30+ orders that night.
Doon ko narealize na hindi ko pala kailangan sumuko.
Kulang lang pala ako ng push at mas paglagay kay Lord sa center ng ginagawa ko.
Hindi man naging madali yung journey.
Mas dumami yung puyat.
Mas dumami yung pagod.
Yung bahay namin halos naging stock room na rin kakadami ng items.
Pero habang tumatagal, mas nakikita ko kung paano kumikilos si Lord sa business ko. Kapag Siya pala talaga yung center ng ginagawa mo, mas nagkakaroon ng direction, peace, at purpose lahat ng pagod mo.
Ngayon, mag 1 year na this August yung bag charms journey ko sa Tiktok.🤎
At isa sa pinaka nakakataba ng puso…
may mga na inspire na rin at gumaya sa setup na sinimulan ko. Naka influence pa pala ako kahit papaano. 🤎
Btw, iba pa nun yung account na ginamit ko kasi na restrict yung una. Kaya M10V27 Crafts and Prints na ang Tiktok Account. Pang souvenir account na.
Malayo pa, pero atleast may progress na.
At lahat ng progress na meron ako ngayon, alam kong hindi ko maaabot kung wala si Lord.
Maliit man sa iba, pero malaking answered prayer na para sakin.
“M10V27”
Mark 10:27
“With man this is impossible, but not with God; all things are possible with God.”
At lagi kong pinanghahawakan yung verse na to together with:
“Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to Him, and He will make your paths straight.”
— Proverbs 3:5-6
Kasi minsan akala natin hindi natin kaya, pero kapag si Lord yung naging sentro ng lahat ng ginagawa natin, Siya mismo yung gagawa ng way. 🤎