Ejelin Pharmacy

Ejelin Pharmacy Drugstore (Branded/Generic Medicine) . Mini mart

19/07/2025

❗️FILARIASIS — ISA PANG SAKIT NA DALA NG LAMOK NGAYONG TAG-ULAN ❗️

💡 Bukod sa Aedes aegypti na nagdadala ng dengue, mabilis ding dumadami sa panahon ng tag-ulan ang mga lamok gaya ng Aedes spp., Anopheles spp., at Mansonia spp. na nagdadala ng Filariasis.

Ang lymphatic filariasis ay sakit na dulot ng mga microscopic na bulate na naipapasa mula sa kagat ng lamok. Kapag napabayaan, maaari itong magdulot ng kapansanan dahil sa permanenteng pamamaga ng iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mga paraan para maiwasan ang Filariasis:

✅Gawin ang taob, taktak, tuyo, takip sa mga lalagyan para walang pamahayan ang lamok;

✅Magsuot ng pantalon at damit na may long sleeves; at

✅Gumamit ng mosquito repellent pag lalabas, at ng kulambo sa pagtulog

📍 Sa tulong ng mass drug administration, nakakamit ng mga probinsya ang Filariasis-free status.




13/07/2025

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

🖐👣 Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
📌 lagnat
📌 singaw sa bibig
📌 sakit sa lalamunan
📌 mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




07/07/2025

💸 WHY ARE BRANDED MEDICINES MORE EXPENSIVE?

🧪 Research & Development
They spend billions on research, trials, and testing.

📜 Patents
Brands have exclusive rights for years, so no one can copy them yet.

🎯 Marketing
They spend a lot on ads and promotion.

💊 WHY ARE GENERICS CHEAPER?

✅ Same Formula, Less Cost
They just copy the proven drug.

🧪 No More Trials Needed
They don’t redo the expensive studies.

🙅‍♂️ No Ads
Less marketing = lower price.

06/07/2025
03/07/2025

Medyo Pharmacist Counsels 💊😉

📆 Always check the label.
👩‍⚕️ When in doubt, ask your Pharmacist!
🚫 Because “medyo expired” is still expired.

04/06/2025
04/06/2025
03/06/2025

HIV CASES SA MGA EDAD 15–25 SA BANSA, TUMAAS NG 500%; DOH, NAIS IDEKLARA ITONG NATIONAL PUBLIC HEALTH EMERGENCY

Umakyat ng 500% ang kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa sa mga kabataang Pilipino na may edad 15 hanggang 25 ayon sa Department of Health (DOH).

Dahil dito, inirekomenda ni DOH Secretary Ted Herbosa na ideklara ang HIV bilang isang National Public Health Emergency upang mapalawak ang pagtugon ng pamahalaan sa lumalalang sitwasyon.

Ayon pa kay Sec Herbosa, hindi Monkeypox ang mas dapat ikabahala kun'di ang mabilis na pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa.

Batay sa datos ng DOH, mula Enero hanggang Marso 2025, umaabot sa 57 ang naitatalang bagong kaso ng HIV kada araw, mas mataas kumpara sa 21 kaso kada araw noong 2014.

Inihayag ni Sec Herbosa na nangunguna na ang Pilipinas sa may pinakamaraming bagong kaso ng HIV sa buong Western Pacific Region.

Aniya, posibleng umabot sa mahigit 400,000 ang bilang ng mga taong may HIV sa bansa kung hindi ito agad maagapan, kung saan noong 2024 ay umabot na sa 215,000 ang bilang ng mga taong nabubuhay na may HIV.

Payo ng kalihim sa publiko na magpa-HIV test o kaya naman ay gumamit ng self-test kits, iminumungkahi rin nito ang paggamit ng combination prevention method gaya ng condom, lubricants, at Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP).

Para naman sa mga positibo, pinapayuhan ang patuloy na pag-inom ng antiretroviral therapy (ART) na sakop na rin ng PhilHealth. (Jovy Andres)

28/05/2025
27/05/2025

Bye Bye, Bennys 👋
“Based on a comprehensive evaluation of practice patterns and the prevalence and incidence of adverse clinical events, we believe that diphenhydramine has reached the end of its life cycle, and in its class of therapies it is a relatively greater public health hazard. We recommend it should no longer be widely prescribed or continue to be readily available over the counter.”

https://www.worldallergyorganizationjournal.org/article/S1939-4551(25)00002-X/fulltext

Address

Roxas
Solano

Opening Hours

Monday 5:30am - 6:30pm
Tuesday 5:30am - 6:30pm
Wednesday 5:30am - 6:30pm
Thursday 5:30am - 6:30pm
Friday 5:30am - 6:30pm
Saturday 5:30am - 6:30pm
Sunday 5:30am - 6:30pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ejelin Pharmacy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share