
30/04/2024
BABALA: SCAM TEXT MESSAGE AT LINK
Peke at hindi nanggaling sa MMDA ang text message at link na kumakalat ukol sa No Contact Apprehension Policy at instruksiyon hinggil sa pagbabayad ng multa.
Ang mensahe at link ay naglalaman ng mga peke at malisyosong instruksiyon hinggil sa nakuhanan ng NCAP na paglabag at kung paano babayaran ang multa.
Nananatiling suspendido ang operasyon ng NCAP mula pa noong 2022 bunsod na rin ng pagpapalabas ng temporary restraining order ng Korte Suprema. Dahil dito, walang tinatanggap na bayad o multa mula sa nakukunan sa paglabag sa batas trapiko.
Huwag basta maniwala sa mga natatanggap na mensahe o post sa social media. Mabuting alamin muna ang pinanggalingan ng impormasyon o iberipika mula sa mga lehitimong sources.
Manatiling updated sa ating official social media platforms: Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, at Tiktok.
Kung may natatanggap na kahina-hinalang mensahe o post sa social media, maaaring tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA official accounts.
Ctto:📸