08/01/2026
Wag niyo kasi baratin 😂 Barat na nga bigay ko babaratin pa… 😂😂😂
Nakita ko ‘to sa Shopee.
₱13–₱18 per customized ref magnet.
Personalized na ‘yan ha. May layout, may printing, may cutting, may lamination, may magnet, may packaging tapos may platform fees pa.
Hindi ko ito shinare para mapahiya ang sellers.
Hindi rin ito para mang-away.
Ginamit ko ‘to bilang example ng kung gaano na kababa ang tingin sa effort ng crafters ngayon.
Yes, may business philosophy na
“okay lang maliit ang kita basta maraming benta.”
Gumagana ‘yan sa mass production, imports, factories na kadalasan ginagawa ng malalaking businesses.
Pero sa crafting? Personalized? Handmade?
Hindi ito applicable.
Kasi hindi mo pwedeng i-scale ang oras, pagod, at utak mo tulad ng factory machine.
Sa ₱13–₱18;
• nasaan ang bayad sa design time?
• nasaan ang value ng skills?
• nasaan ang allowance sa errors at reprints?
• nasaan ang profit after platform fees?
Kapag patuloy nating tinatanggap ang pamigay presyo, unti-unti nating pinapatay ang sarili nating industriya.
Customers get used to cheap.
Crafters get burned out.
Hindi ako nandito para mag-judge.
Nandito ako para mag-voice out.
Para ipaalala na may halaga ang gawa natin.
Kung crafter ka at natatakot magtaas ng presyo dahil baka walang umorder,
Baka hindi mo pa lang nahahanap ang tamang customers para sa’yo.
Price your crafts right.
Protect your time.
Respect your skills.
Hindi lahat ng benta ay blessing,
yung may kita, doon nagsisimula ang tunay na negosyo. 💗💪