22/12/2025
Kapag negosyante ka, December talaga ang pinaka-magastos na buwan.
At pagkatapos niyan, sasalubong agad si January na puno ng renewals, bayarin, at panibagong puhunan.
Sa totoo lang, minsan nakakaiyak mag-Pasko hahaha!
Ito yung madalas hindi nakikita ng iba.
Yung buong taon kailangan mong magtabi para pagdating ng dulo, may maibigay ka sa mga taong deserve ng extra tuwing Pasko at may nakahanda ka rin para sa panibagong simula ng negosyo.
Kung dati bilang empleyado, ito yung pinakahinihintay na buwan.
Pero kapag ikaw na yung may pinapasahod, ito naman yung buwan na pinaka-iniisip mo kung kakayanin lahat.
Akala ng iba kapag may malaki sales, malaki na rin ang kita pero sa totoo lang, sa laki na puhunan, konti lang ang tunay na tubo.
Pinapaikot lang para manatiling buhay ang negosyo. Minsan break-even lang, basta tuloy-tuloy at hindi tumitigil.
Kaya kung may kilala kayong negosyante
kamustahin niyo rin.
At sana, suportahan hindi lang tuwing Pasko. Malaking bagay sa amin ang malaman na may naniniwala at sumusuporta. π₯Ή
At sa mga staff at customers namin, yung malasakit at tiwala niyo sobrang na-aappreciate namin. Maraming salamat! π§‘π«Ά
Christmas is the season of giving,
pero ang bills hindi talaga tumitigil.
Kailangan laging handa para sa susunod na kabanata.
Pero naniniwala kami God is good. Lahat pinoprovide Niya. π§‘
Merry Christmas! π
Salamat sa patuloy na suporta. π§‘