17/08/2026
From the Land where mountain meet the Sea โ Antique!๐ค
Hello Philippines! and hello world! ๐ต๐ญ๐ โจ
I am Sheena Mae Febreo, from Diclum, Municipality of Tobias Fornier, Antique.
An aspiring teacher who believes in the power of education, dreams, and perseverance.
Lumaki ako sa isang simpleng pamilya, sa lugar kung saan masarap mabuhay nang payak, malapit sa kalikasan.
Bata pa lang ako, nakita ko na kung paano nagsisikap ang mga magulang ko para sa aming pamilya.
Sa bawat paghihirap, may pagmamahal. Sa bawat pagsubok, may pamilyang handang magsama-sama at bumangon.
Doon ko natutunan na hindi nasusukat ang isang pamilya sa kung gaano karami ang mayroon sila. Mas mahalaga kung gaano sila nagmamahalan, nagtutulungan, at nagsisikap para sa isaโt isa.
Bilang isang Antiqueรฑia , dala ko rin ang pagiging simple at matatag na natutunan ko sa aming lugar. Dito ko nakita kung paano pinahahalagahan ng mga tao ang kanilang trabaho, ang kalikasan, at ang mga bagay na ginagawa gamit ang sariling kamay. Mula sa mga ani,pangingisda hanggang sa mga produktong gawa sa buri, makikita mo kung gaano kasipag at kadiskarte ang mga tao sa amin.
At iyon ang gusto kong dalhin sa Bahay ni Kuya ang pagiging simple pero may pangarap.
Hindi ako perpekto.
May mga pagkakataon na kinakabahan ako, nagdududa sa sarili, at natatakot din sa mga bagay na bago sa akin. Pero kapag may gusto akong makamit, sinusubukan ko. Dahil naniniwala ako na hindi mo malalaman kung kaya mo pala kung hindi mo susubukan.
Kuya, bakit ako karapat-dapat maging Housemate?
Because I have a story to tell.
Isa akong simpleng babae mula sa Antique na may pangarap, may talento, may passion, at may pusong gustong matuto. at lumaban gusto kong maging boses at inspirasyon ng mga kabataan at ipakita sa buong Pilipinas kung sino talaga si "Sheena" hindi perfect, pero genuine.Handa akong makisama, matuto sa ibang tao, harapin ang challenges, at ipakita ang tunay kong pagkatao.handa akong mag-iwan ng kwentong kapupulutan ng aral para sa mga kabataan.
Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, dadalhin ko sa loob ng Bahay ni Kuya ang kwento ng isang pamilyang hindi sumusuko, ang mga aral na natutunan ko habang lumalaki, at ang pangarap ng isang simpleng babaeng gustong subukan kung hanggang saan siya kayang dalhin ng kanyang tapang.
This is my story, my dream, and hopefully, my chance to shine inside the Big Brother house. โจ
An Antiqueรฑa, an educator, a dreamer, and a woman who is ready to take the challenge.
Sheena Mae Febreo โ Aspiring PBB Housemate.๐
.0