08/04/2022
E & S
Terms/Conditions
💗Items/Product Expectations(ukay ukay)
•Pinapa alala namin sa lahat na ang items namin ay ukay ukay GRADE A, CREME, REDSACK. Galing ito sa aming mga supliers direct from bodega/warehouse. Factory sealed and loose sack sealed. Dumarating saamin ito ng naka factory sealed na at ito ay hindi namin handpick, personal choose and pinag pilian. Walang ganun sa mundo ng ukay.
Sa mundo ng ukay ukay normal na may damage, stain, gusot gusot at kung minsan patapon na clothes lalo na kapag ang binili mong items ay Class A or Grade A. Dahil sa ukay ukay ito ibig sabihin used clothes na ito kaya wag mag expect na bago ang items dahil hindi namin control ito. If gusto mo ng bago mas mainam na sa mall nalang po bumili at wag sa ukay.
Kung ikaw ay papasok sa ukay ukay business palagi mag eeffort at 100% need ng pasensya. Wag po ugaliin na mag tamad tamad sa ganitong business dahil hindi ka kikita sa ganung pag uugali.
💗Branded/Brandnew/Mall Pull outs💗
•kahit na branded or brandnew ang items ay hindi padin maiiwasan na my minimal flaws padin ang product since dumadaan pa ito sa madaming proseso mula sa importer hanggang bodega papunta saamin.
Sealed na po ito nakaka rating samin kaya hindi din po namin control ang quality ng items. Kaya palagi naming pa alala na manage your expectations.
💗Payment Method💗
Sa mga customers namin sa labas ng UAE ay stricly PAYMENT FIRST. Kung walang payment walang shipment. Nag iingat lang din po kame.. kung may seller scammer mayrun din pong customer scammer.
💗Reservation Rules💗
Pinapaki usapan ko po ang lahat ng buyers/future or old buyers na please mga madam/sir kame ay tumatanggap ng reservation po sa mga items na gusto ninyo orderin kahit walang reservation fee. Pero sana naman po huwag magging iresponsible.. once kayo ay nag confirm ng order ibig sabihin kukunin nyo po. Hindi yung pina reseved ng 1week, 2weeks, 3weeks, at napaka daming weeks pa tapus kapag bayaran na gusto icancel.
Bago po namin yan makuha sa bodega nag babayad po kame. At since kayo ay nag confirm nag tatrust kame sainyo at inoorder namin sa bodega ang items na gusto nyo. Kaya kapag nag cancel kayo malaking perwisyo po saamin yun. Kaya sana please lang po wag mag confirm kung hindi kukunin.
NOTE: STRICLY NO RETURN, NO EXCHANGE, NO REFUNDS POLICY PO KAMI . UKAY UKAY PO ANG ITEMS NAMIN AGAIN KAYA IF HINDI NINYO NAGUSTUHAN HINDI PWEDE NA IBALIK PO. KAYA DAPAT READY DIN PO KAYO SA DAPAT I- EXPECT NINYO SA ITEMS.
Maraming salamat. Ugaliin mag basa bago bumili/omerder.
◇Legit suplier UAE Base
◇We do delivery at
UAE
OMAN
BAHRAIN
QATAR
PHILIPPINES
Happy selling and God bless Everyone.💞